Archives

Okat Tokat

Maganda sana kung magkwekwento ako ng nakakatakot sa post na ito. Tipong pang Oka Tokat o kaya Gabi ng Lagim. Kaso tatakutin ko lang ang sarili ko… mananakot pa ako ng iba.

Madami tayong pinaniniwalaan na kababalaghan sa mundong ito. Hindi mo alam kung alin ang imbento lang ng Scientist mong magulang o ikinuwento lang ng magulang nila na naging exaggerated. Scientist kasi mahilig gumawa ng theories at hypothesis based sa reaction ng anak nila. Gaya ni Noli De Castro dati na naging habit na ang takutin ang mga Pilipino pag malapit na ang Araw ng mga Patay, tuwang tuwa ka naming panoorin. Hindi ba niya alam na kabastos bastos para sa mga kaluluwa na gawin silang nakakatakot? Adik ba siya? Yung unang taong ang sagot, malamang, para lang siguro sa rating. Yung pangalawa… hindi ko alam.

Sinabi kasi ng kaofficemate ko ang pangyayari sa bahay nila kelan lang. Sabi ng yaya ng anak nila na may nakikita daw siya na lalaking nakaitim sa kusina nila pag gabi. Mas pinaganda pa niya ang kwento, malapit na daw kasi ang araw ng mga patay kaya daw lumalabas na ang mga kaluluwa. Tanong naman ng kaofficemate ko “Bakit alam nila na November 1 na?”. Hindi na daw nakasagot…  Siguro kung aamin si Noli de Castro na adik siya, ipagkakalat ng yaya niya na mas mabisa ang katol sa kahit anumang addictive drugs.

Continue reading

Aphasia, Ghost Stories

 

Kagabi dapat magoot ako. Sa kadahilanang hindi ko pa rin matapos tapos ang malupit na computation ng mga sweldo ng tao. (Systems Analyst ako… syempre…) Desidido talaga ako. Tila lahat ng mga cells ng brain ko ay gumagana at parang formula ng isang super duper over to the max na bomba ang gagawin ko na dito nakasalalay ang buhay ng lahat ng tao pag hindi ko ito nagawa ngayong gabi. Isa isa nang nagpaalam ang aking mga kaopisina. Uppss. 7:30… umuwi na rin boss ko. Okay…. bumaba ako para gawin ang alam niyo nang ginagawa ko pero hindi ko dapat gawin dahil masama ito sa katawan. Pagakyat ko anak ng pating na may tulo… sarado na ang pinto ng opisina… “Manong…. Manong…. anjan pa po bag ko sa loob!!!”

Nagcr pala si manong mabuti na lang…. Balik na ako… Okay… Leave Cash Out… Hay leave cash out…. (Transalation: Mahal na niya kaya yun? Nagtetext ba sila palagi?)

Retro Pay… Hay Retro Pay (Transalation: Tama na sigurong tigilan na nga kita)

(Scenario: Habang nagtytype… biglang lumamig at parang may biglang dumaan sa unahan…..)

Pano nga ba to… alin kaya mas dapat kong unahin (Translation: Motherfucker…. kinikilabutan ako… )

Makacr na nga…. Sabay biglang labas ni manong….

Continue reading