Okat Tokat

Maganda sana kung magkwekwento ako ng nakakatakot sa post na ito. Tipong pang Oka Tokat o kaya Gabi ng Lagim. Kaso tatakutin ko lang ang sarili ko… mananakot pa ako ng iba.

Madami tayong pinaniniwalaan na kababalaghan sa mundong ito. Hindi mo alam kung alin ang imbento lang ng Scientist mong magulang o ikinuwento lang ng magulang nila na naging exaggerated. Scientist kasi mahilig gumawa ng theories at hypothesis based sa reaction ng anak nila. Gaya ni Noli De Castro dati na naging habit na ang takutin ang mga Pilipino pag malapit na ang Araw ng mga Patay, tuwang tuwa ka naming panoorin. Hindi ba niya alam na kabastos bastos para sa mga kaluluwa na gawin silang nakakatakot? Adik ba siya? Yung unang taong ang sagot, malamang, para lang siguro sa rating. Yung pangalawa… hindi ko alam.

Sinabi kasi ng kaofficemate ko ang pangyayari sa bahay nila kelan lang. Sabi ng yaya ng anak nila na may nakikita daw siya na lalaking nakaitim sa kusina nila pag gabi. Mas pinaganda pa niya ang kwento, malapit na daw kasi ang araw ng mga patay kaya daw lumalabas na ang mga kaluluwa. Tanong naman ng kaofficemate ko “Bakit alam nila na November 1 na?”. Hindi na daw nakasagot…  Siguro kung aamin si Noli de Castro na adik siya, ipagkakalat ng yaya niya na mas mabisa ang katol sa kahit anumang addictive drugs.

Kahit saan kasi tingnan, me nakaitim man na lalaki sa kusina ng kaofficemate ko o wala, kawawang holiday talaga ang araw ng mga patay. Biruin mo ang mga muslim hindi ka naaalala kasi nga naman katatapos lang ng Ramadan. Gutom pa sila non malamang. Pagkatapos naman ng limelight mo na puno ng pananakot … si pasko na ang inaantabayanan. Sino ba naman ang gugustuhin na maging Mr. And Ms. Araw ng mga Patay. Wala man lang 30 days before Araw ng mga patay.  Nakakalimutan na rin ang tao ang totoong purpose ng event… dinadaan na lang sa tong-its ang kanta ng aegis at salbakuta masabi lang na pumunta ng sementeryo.

Kaya ngayon, dahil pa good shot si Mrs. President, isang araw lang ang bakasyon natin. (Para sa akin iihi lang ako sa bahay namin at babatsi na) Sana bigyan natin ng oras ang mga minamahal natin na namayapa na. Sana maalala natin sila at ipagdasal (ala give love on Christmas day) at maalala kahit hindi araw ng mga patay (Make everyday a Christmas Day)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s