MANYAK!!!!

Pag sa English maniac, ang problema, maniac sa English can be used in any abusive behaviour. Sa tagalog pag sinabing MANYAK ka. Yun na yun, sexual pervert.

Mahirap talaga umiwas sa manyak. Kasi nagkalat sila sa tabi tabi. Parang virus, ang pagiging manyak yata nakakahawa, kaya dumadami ang mga manyak sa Pilipinas.Pero higit kahit saan, pinakamadaming manyak sa public transportation.

Meron sa MRT. Yung mga simpleng manyak na ang kamanyakan eh yung ipagduldulan sa yo ang harapan nila pag nakaupo ka. Yung mga hindi naman necessary na iharap sa kanila ang harapan nila tapos medyo iuusli pa. Nakakainis, minsan gusto ko nang dakutin para mapahiya, at pag tinanong ako saka ko na lang sasabihin sa kanila “Sorry, kala yun yung gusto mong gawin ko kasi kanina mo pa idinuduldol sa akin yan”

Meron din namang mga todo talaga kamanyakan. Yung tipong icrocross pa nila arms nila para lang madama boobs mo! the nerve!

Pero pinakaayaw ko talaga yung tipong tinatago pa kamanyakan. Kagaya ng nakasabay ko kanina sa jeep. Putanginang yan tama daw ba na haplos haplusin braso ko habang tulog ako. Nilayo ko na nga aba!!!!! Kapal kunwari pa inaayos laptop niya.

Kaya pag naubos ko na lahat ng parlorista na gumagago ng buhok ko. Isusunod ko na ang lahat ng manyakis sa buong mundo!

2 thoughts on “MANYAK!!!!

  1. Dun ka sumakay sa unahan..yung 2 cars para sa mga babae, senior citizen at bata. Minsan may lalake pa rin dun pero dahil may batang dala…

    Kung di maiwasan, at tayuan lahat, akapin mo sarili mo at ikunot ang kilay mo…bumalanse ka na kahit di ka humawak eh di ka masusudsod..that way din, lumaki ang space mo, lumiit sa kanya….pag dumikit pa rin, iharang mo siko mo para dun sya tumama…asta kang byaning…wag kang pa-cute pag ganyan kahit cute ka talaga…magsuot ka ng mga singsing na bakal-bakal na nakatusok…isusuot mo lang naman pag siksikan…umastang ready kang sumuntok…tignan mo kundi lumayo sila lahat sa yo…😀

  2. Naiinis din kasi ako dun sa mga babaeng nagmamaganda sa first cars. Tsaka I usually get stomped at pag dun pa ako manggaling kasi sa ortigas ako bababa.

    natawa naman ako sa naisip mong solution hehehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s